-- Advertisements --
Nakatanggap ng $100 milyon na premyo ang country singer at philantropist na si Dolly Parton mula sa Bezos Courage & Civilty Award.
Ang nasabing award ay mula sa bilyonaryong si Jeff Bezos ang founder ng Amazon.com.
Kasama ni Bezos ang partner na si Lauren Sanchez ang pag-anunsiyo ng nasabing award.
Ilang taon na kasi kinikilala ng kumpanya ni Bezos ang mga indibidwal na may mga malaking naitutulong sa komunidad.
Pinasalamatan naman ni Parton si Bezos at tiniyak nito na ang nasabing pera ay mapupunta rin sa mga taong dapat tulungan kung saan ilalagay niya ang iba nito sa charity.
Ang 76-anyos na si Parton ay nagpasikat ng mga kantang “I Will Always Love You”, “Jolene” at maraming iba pa.