-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Masayang tinanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang mahigit sa 25,000 na piraso na KN95 face masks na donasyon mula sa TEMASEK Foundation International at FILINVEST Development Corporation.
Ang nasabing mga face masks ay tinanggap ni 3rd District Representative Samantha Santos, Board Member Ivy Dalumpines-Ballitoc at Provincial Administrator Aurora Garcia bilang kinatawan ni Governor Mendoza.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mendoza sa pamamagitan ni PA Garcia sa donasyong ipinaabot ng dalawang kompanya na makakatulong lalo na sa mga frontliners ngayong panahon ng pandemya.