-- Advertisements --

Nakahandang magbigay ang United Kingdom ng halos £200-milyon ($248 million) sa World Health Organization (WHO) at iba’t ibang charities para tumulong na labanan ang pagkalat ng coronavirus sa mga karatig bansa.

Ang naturang hakbang ay para na rin maiwasan ang ikalawang wave ng nakamamatay na virus.

Pumalo na sa halos 1.6 milyong katao ang naiulat na tinamaan ng 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19 sa buong munda habang umabot na ng 100,000 katao ang namamatay.

“While our brilliant doctors and nurses fight coronavirus at home, we’re deploying British expertise and funding around the world to prevent a second deadly wave reaching the UK,” saad ni British aid minister Anne-Marie Trevelyan.

£130 million ang mapupunta sa mga ahensya ng United Nation at 65 million naman ang para sa WHO. Nasa £50 million ang ibibigay para gamitin ng Red Cross upang tulungan ang mga liblib na lugar at V20 million ang mapupunta sa mga organisasyon at charity.

Ang suportang ipinapakita ng WHO ay taliwas sa pananaw ni President Donald Trump na una nang binato ng kabi-kabilang kritisismo dahil sa paraan nito ng pagtugon sa COVID-19 pandemic.