Kumpyansa si British Prime Minister Boris Johnson na nalampasan na ng United Kingdom ang peak ng coronaviurs outbreak at ilalatag na nito sa susunod na linggo ang plano sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng Britanya.

Sa isinagawa nitong COVID-19 briefing sa Downing Street, kasama umanon sa komprehensibong exit plan ang pagsusuot ng face masks ng mga Briton.

Nagpasalamat naman si Johnson sa publiko sa kanilang pakikiisa para sama-samang labanan ang coronavirus.

“At no stage has our NHS been overwhelmed, no patient went without a ventilator, no patient was deprived of intensive care,” saad ng prime minister.

“It is thanks to that massive collective effort to shield the NHS that we avoided an uncontrollable and catastrophic epidemic where the reasonable worst-case scenario was 500,000 deaths. I can confirm today that for the first time we are past the peak of this disease.”

“We are past the peak and on the downward slop,” dagdag pa ni Johnson.

Gayunpaman ay nagbabala pa rin ito sa posibilidad ng “second spike” ng coronavirus infection sa UK.

“We have come through the peak – or rather we’ve come under what could have been a vast peak, as though we’ve been going through some huge alpine tunnel and we can now see the sunlight and pasture ahead of us,” ani Johnson.

“And so it is vital that we do not now lose control and run slap into a second and even bigger mountain.”

Ayon sa prime minister, para maiwasan ang ikalawang wave ng nakamamatay na sakit ay sisikapin ng British government na huwag munang tanggalin ang kahit anong patakaran na posibleng magpalala sa reproduction rate ng sakit.

Sa oras daw kasi na tumama ang ikalawang wave ng virus sa bansa ay magkakaroon umano ng malaking problema ang ekonomiya ng UK.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 171,253 kumpirmadopng kaso ng COVID-19 sa Britanya habang 26,771 na ang namamatay.

Target din ng kanilang gobyerno na magsagawa ng nasa 100,000 coronavirus tests hanggang Biyernes. Pagsisiwalat naman ni Johnson na umabot na ng 81,611 tests ang nagawa noong Miyerkules.