-- Advertisements --
Mayroon umanong mabagal na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang seven-day COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ay umakyat sa 12.1 percent noong September 2 sa 13.3 percent noong September 9.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 kumpara sa kabuuang bilang nga mga indibidwal na sumailalim sa covid test.
Tumaas din sa ngayon ang reproduction number o ang bilang ng taong nahawaan ng isang positibong indibidwal mula sa 0.93 noong August 31 ay naging 1.11 ito noong September 7.
Kung maalala, kapag mas mataas sa 1 ang reproduction number ibig sabihin ay tumataas din ang infection.