Pormal nang binuksan ng Pilipinas at Estados Unidos ang ikalawang pag-ulit ng joint “Cope Thunder” exercise ng kanilang air forces.
Nasa 1,200 Filipino at American airmen ang kalahok sa halos tatlong linggong drills na kinabibilangan ng expertise changes at field training exercises sa Pampanga, Tarlac, Cebu, at General Santos City.
Ang yugtong ito ng Cope Thunder ay tututuon sa large force deployment, at nakikitang magpapalakas ng alyansa ng depensa ng dalawang bansa sa pagharap sa mga banta sa rehiyon.
Ayon kay MGen Augustine Malinit, Commander ng Philippine Air Force (PAF), ito isa sa mga platform na pinakaangkop upang mapahusay ang interoperability sa mga katulad na kasosyo sa pagtatanggol tulad ng US upang tugunan ang kasalukuyan at hinaharap na mga hamon sa seguridad.
Sinabi ng US Air Force (USAF) na tinitingnan nito ang pagpapalawak ng Cope Thunder sa isang multilateral exercise.
Dagdag dito, posibleng kasama ang Japan, at Australia, at isa pang kasosyong bansang sa mga gaganapin pang airforce exercise sa mga darating na taon.
Ang unang yugto ng naturang exercise ay ginanap noong Mayo, kasunod ng muling pagkabuhay nito pagkatapos ng mahigit tatlong dekada.
Unang nagsagawa ng Cope Thunder drills ang Washington at Manila noong 1991.