-- Advertisements --
Maraming sibilyan ang nasawi at nasugatan sa missile strike ng Russia sa Kyiv, Ukraine.
Ayon sa Ukraine military, tinamaan ng missile ang convoy ng mga sasakyan ng mga sibilyan.
Dahil sa insidente ay nawasak ang mga sasakyan na tinamaan ng missile at hindi bababa sa 24 katao ang nasawi.
Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky, na tila gumaganti ang Russia dahil sa patuloy ang ginagawa nilang pagbawi sa mga lugar na unang sinakop nila.










