Pinagsusumite na ng Department of Justice (DoJ) ang Bureau of Corrections (BuCor) ng report kaugnay ng pagkamatay ng high profile inmate na si Raymond Dominguez.
Una rito, kinumpirman ni BuCor Spokesperson Col. Gabriel Chaclag na natagpuang walang buhay ang inmate sa kanyang selda.
Aniya, nagpapatuloy na raw ang isinasagawang imbestigasyon ng BuCor kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng inmate.
Hulyo noong nakaraang taon nang dinapuan ng nakamamatay na sakit na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Dominguez.
Pero pinabulaanan noon ni Chaclag ang mga balitang sumakabilang buhay na ito dahil nagpapagaling lamang daw ito sa Site Harry na isang isolataion facility sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Si Dominguez ay hinatulang makulong ng 17 hanggang 30 taon dahil sa carjacking noong 2012.
Kasama naman ang kanyang kapatid na si Roger, akusado rin ang mga ito sa pagpatay sa car dealer noong na si Venson Evangelista at Emerson Lozano noong 2011.