Nakamit ng Converge Fiberxers ang kanilang pang-anim na sunod na panalo sa 2022 PBA Commissinoers’ Cup.
Ito ay matapos malusutan ang Phoenix Super LPG 132-127 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo si Quincy Miller na nagtala ng 46 points, 18 rebounds, limang assists, tatlong blocks at dalawang steals.
Nagtala naman ng career-high 22 points si RK Ilagan habang mayroong 25 points, nine rebounds at apat na assists si Jeron Teng at 13 points naman si Maverick Ahanmisi.
Naitala rin ng FiberXers ang bagong franchise record na mayroong 22 three-pointers na siyang pinakamaiksi sa PBA record.
Dahil sa panalo ay mayroon ng pitong panalo at dalawang talo ang record ng Converge habang ang Phoenix ay mayroong limang panalo at apat na talo.