Nalusutan ng Converge FiberXers ang Terrafirma Dyip 103-94 sa overtime game ng PBA Season 48 Commissioner’s Cup.
Ito ang unang panalo ng Converge sa laro na ginanap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan sa huling anim na minuto ng laro.
Hawak na ng Converge ang kalamangan 86-80 sa natitirang 2:47 ng last quarter hanggang tinapos ng Terrafirma ang regulation sa 8-2 rund at maitala ang magkakasunod 3-points ni Javi Gomez de Liano sa apat na segundo para madala sa overtime ang laro 88-all.
Pagpasok ng overtime ay nakahanap ng tsansa ang FiberXers at nakuha ang 99-90.
Bumida sa Converge si Jamil Wilson na mayroong 32 points ,10 rebounds at limang asssists habang mayroong 28 points at limang rebounds si Juami Tiongson.