-- Advertisements --

Muling binuhay ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang panawagan sa mga gumaling na sa COVID-19 na mag-donate ng convalescent plasma, para tulungan ang mga nagtataglay pa ng sakit.

Ayon kay PRC chairman Sen. Richard Gordon, kahit may bakuna na sa Pilipinas, hindi pa naman ito accessible sa lahat, kahit sa mga pasyenteng may malubhang kondisyon.

Paliwanag ng mga eksperto, nakakatulong ang convalescent plasma para mapalakas ang panlaban ng katawan sa iniinda nitong deadly virus.

“We need to have sufficient supply of convalescent plasma to help those who are confined in hospitals due to the disease,” pahayag ni Gordon.

Nabatid na nakapagproseso ang PRC ng 784 units nito, kung saan 686 patients ang nabigyan mula sa mahigit 80 mga ospital.

Ilan sa mga nag-donate ng convalescent plasma sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Sonny Angara.

Ang mga interesadong mag-donate ay maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng PRC.