Siniguro ng Department of Foreign Affairs ang tuloy-tuloy na pagtutok sa tumitinding immigration-related protest sa US kung saan ilang mga protester na ang inaresto ng mga otoridad.
Ayon kay DFA Assistant Secretary for Migrant Workers Affairs Robert Ferrer Jr., binabantayan ng pamahalaan ng Pilipinas ang sitwasyon ng mga Pinoy sa US, habang nagpapatuloy ang malawakang protesta.
Kasabay nito ay patuloy ding pinapaalalahanan ang mga US-based Filipinos na huwag sumama sa mga isinasagawang protesta, sa gitna ng mas matinding pagsalakay ng US authorities at tuluyang paghuli sa ilang nakikibahagi sa mga ito.
Sa kasalukuyan at wala aniyang Pilipino at mga Fil-Am na kabilang sa mga naaresto, kasabay ng maagang pagpapaalala sa kanila simula mag-umpisa ang mga demonstrasyon sa iba’t-ibang bahagi ng US.
Sa kasalukuyan, mahigpit aniya ang pagpapatupad ng curfew, lalo na sa Los Angeles kung saan isinagawa ang pinakamalaking protesta.
Nakadeploy aniya ang mga miyembro ng Los Angeles Police District, National Guard, at mga miyembro ng US Marines upang bantayan ang mga mamamayan, migrant, at mga immigrants na magpupumilit magsagawa ng demonstrasyon.
Sa kasalukyan, wala din aniyang natukoy na Pinoy na ipinadeport dahil sa kanilang kaugnayan sa malawakang protesta.
Ayon kay Asec. Ferrer, nirerespeto ng pamahalaan ng Pilipinas ang deisyon ng US government ukol sa mga immigration-related protest.
Maging ang Pinas aniya ay tiyak ding hihigpitan ang pagpapatupad ng batas, kung may mangyaring kahalintulad na protesta dito sa bansa na kinauugnayan ng mga foreigner o mga dayuhan.