Tiniyak ng liderato ng Land Transportation office (LTO) na tutugan nito ang contractualization sa ahensiya sa gitna ng pag-iral ng job order mode of employment sa isa sa high-earning agencies ng pamahalaan.
Sa layuning matigil na ang Job Order sa ahensiya, titiyakin ni LTO chief Vigor Mendoza II ang pag-secure ng tenurity para sa malaking bilang ng kanilang mga empleyado na nananatiling nasa ilalim ng contractual employment na nakahanay din naman sa target na Marcos administration.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ang bilang ng Job Orders sa LTO at kung gaano karami ang mga empleyado na maaaring ma-tap para punan ang 800 plantilyang posisyon.
Sa ilalim kasi ng job order, ayon sa LTO chief, madalas na walang katiyakan kung mananatili sa trabaho o hindi ang mga empleyado ng LTO na nagsilbi sa isang job order position.
Kayat nais nila itong matugunan upang mabura na ang Job Order mode of employment kung saan kailangan pang mag-renew ng mga empleyado ng kanilang employment contract kada 3 buwan.