Screenshot 2019 06 27 17 37 32
IMAGE | Department of Energy, Taguig City

Aminado ang ilang kompanya ng langis na bagamat malaki ang epekto sa bansa ng drone attacks sa oil facility ng Saudi Arabia, ay mababa pang maituturing ang adjustments ngayon sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Kung pagbabasehan daw kasi ang datos ng world market, mas mataas pa rin ang oil price adjustments noong 2018, gayundin na kahit gumulong na ang ikalawang tranche ng tax reform law.

“While the oil players took note of the proposal, petroleum companies said that based on indicative figures in the world oil market, present pump prices remain lower than 2018 figures even with the 2019 tranche of the Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law in effect, and that the country, as a whole, is affected by world oil price volatility,” ayon sa Department of Energy (DOE).

Simula bukas, maglalaro sa P2-kada litro ang increase sa mga produktong gasolina, kerosene at LPG, na itinuturing na pinaka-malaking oil price hike ngayong taon.

Nagpulong na ang binuong Oil Contingency Task Force (OCTF) ng DOE.

“We realize the importance of addressing issues beforehand so that the government may have contingency measures to sustain the country’s economic growth and provide basic services to the people. The activation of the OCTF is vital to our resiliency because we are currently dependent on oil imports,” ayon kay Sec. Alfonso Cusi.

Kabilang sa mga inisyal na panukala ang pagpapalawig sa Minimum Inventory Requirement o stock ng langis sa loob ng isang buwan.

Gayundin ang adjustments sa presyo ng oil products at paggamit ng biofuel bilang alternatibo.

“Discussions revolved around the strict implementation of the Minimum Inventory Requirement (MIR), which is equivalent to stocks of 30 days for oil refiners, 15 days for bulk marketers and seven days for liquefied petroleum gas players,” ayon sa DOE statement.

“A proposal to increase the MIR to 60 days was also raised, but the oil representatives stated that the immediate creation of additional infrastructure along with the added logistical demand may prove costly and detrimental to current operations.”

“As for oil prices, DOE is exploring the possibility of staggering oil price increases as oil companies implement aforementioned increases on gas, diesel and kerosene tomorrow.”

Ngayong araw naman nakatakdang humarap sa Senate Committee on Energy ang mga opisyal ng DOE hinggil din sa mga hakbang na inihanda ng kagawaran bilang tugon sa epekto ng drone attacks sa oil facility ng Saudi Arabia.