-- Advertisements --

LAOAG CITY – Agad isinagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ni Presidential Spokesperson Harry Roque dito sa lalawigan matapos magpositibo sa covid-19.

Si Roque ay bumisita sa probinsya noong Biyernes, Marso 12 para personal na makita ang vaccine rollout ng Ilocos Norte partikular sa Laoag City General Hospital.

Kasama rin ni Roque sina Testing Czar Vince Dizon at Astt. Regional Director Dr. Marvin Bello at mag local officials na kinabibilangan nina Gov. Matthew Marcos Manotoc, Vice Gov. Cecilia Araneta Marcos, Laoag Mayor Michael Marcos Keon at iba pang Sang. Panlungsod Member dito sa lungsod.

Patapos na rin umano ang session ng isinagawa ng Sang. Panlalawigan bago nila nalaman na positibo sa covid si Roque kung saan ang bise gobernador ang naging presiding officer.

Nabatid na ang huling pinuntahan ni Roque bago makumpirma na positibo sa virus ay dito sa lalawigan.

Kanina lamang ay ipinaalam ni Roque na positibo ito sa covid-19 at sinabi sa mga nakasalamuha na mag-quarantine.