-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa swab test ang ilang pulis mula sa Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr. Isabela Police Provincial Office matapos na magpositibo sa COVID- 19 ang isang pulis na mula sa Cagayan.

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagmula sa Enrile, Cagayan ang nagpositibong pulis at kasalukuyang naka-talaga sa Investigation Unit ng Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr..

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Provincial Information Office kinumpirma ni Atty. Elizabeth Binag na nag-positibo sa COVID 19 ang nasabing pulis ngunit hindi pa matiyak kung ilan ang maaaring nahawaan nito dahil kasalukuyan pa ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.

Hinihinalang nahawa ang pulis sa kanyang asawa na una nang nagpositibo sa virus.

Naka-quarantine na ang ilang pulis at ilang kawani ng Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr. na may pakikisalamuha sa nagpositibong pulis at maging ang Provincial Director ay sumailalim sa swab test.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng isinagawang swab test sa mga PNP personnel at Sa ngayon ay mahigpit ang pagpapatupad ng mga Health Protocols sa loob ng Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr. habang nililimitahan na rin ang mga taong pumapasok sa naturang himpilan .

Kaugany nito, Kinumpirma na rin ng City Inter agency Task Force ang pagpopositibo sa virus ng isang non-uniformed Pesonnel mula sa Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr.

sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa City Inter-Agency Task Force kinumpirma mismo ni City IATF Focal Person Ricky Laggui na isa sa mga panibagong kaso ng COVID 19 ay isang NUP mula sa Camp Lt. Rosauro D. Toda Jr.

Naisailalim na rin sa SWAB test ang mga hinihinalang direct contact o may pakikisalamuha sa naturang NUP.