-- Advertisements --
Mas mabilis na umano ang pagtaas ng mga consumer prices sa natitirang anim na buwan ng taon dahil na rin sa paggalaw ng global prices.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ang inflation ay posible raw pumalo sa 2 hanggang 4 percent sa second half dahil sa pagtaas ng oil at non-oil prices at ang tinatawag na positive base effects.
Kung maalala 12 beses nang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na 14 na linggo.
Sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay dahil na rin sa digmaang nagaganap sa Ukraine matapos lusubin ng Russia ang naturang bansa.