Pansamantalang suspendido ang trabaho sa lahat ng consular offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Luzon simula ngayong araw, Marso 17, kasunod nang pagsasailalim sa enhanced community quarantine sa buong isla.
Sa isang advisory, sinabi ng DFA na sakop ng temporary suspension of operations ang Office of Consular Affairs sa Aseana, Parañaque City at lahat ng iba pang consular offices sa Luzon.
Ayon sa DFA ang lahat ng mga passport applicants na may confirmed appointments at ang mga nagnanais na magkaroon ng appointment sa Authentication and Civil Registration ay ma-accomodate sa oras na magbukas na muli ang kanilang operation.
Samantala, ang consular offices naman ng DFA sa Visayas at Mindanao ay patuloy na mag-operate pero sa ilalim ng skelatal workforce lamang.
Handa aniya silang tumanggap ng mga appointment pero sa mga may urgent consular needs lamang, tulad ng overseas Filipino workers (OFWs) and those withna may medical emergencies.
“This temporary arrangement is in support of the declarations of various local community quarantines and the current nationwide public health efforts to curb the spread of COVID-19,” saad ng DFA.