LA UNION – Nasamsaman ng baril at iba’t ibang klase ng bala ang isang 44-anyos na construction worker sa mismong bahay nito sa Brgy. Francia West, Tubao, La Union.

Ang arestadong suspek ay nakilala sa pangalang Rolando Salvatera.

Una ito, isinilbi ang search warrant ng nagsanib-puwersa na Tubao PNP at ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni P/Lt. Maria Jesusa Pajarillo.

May kaugnayan ito sa kinakaharap ng subject person na paglabag sa Republic Act No. 10591.

Ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga sumusunod: isang .38-caliber revolver na walang serial number; isang bala para sa M203; limang bala para sa .45-caliber; at 10 bala para sa .38-caliber revolver.

Patuloy ang ginagawang mas malalim pang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang kaso.