-- Advertisements --
jcr content

Umaasa si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na masisimulan na ang konstraksyon ng ng bagong Bulacan Airport sa ikalawang kwarter ng 2024.

Ayon kay Sec Bautista, pinundohan ito ng P735-billion, at inaasahang magsisilbing ‘game-changer’ sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa kaslaukuyan, sinabi ni Bautista na 3/4 ng land development sa pagtatayuan ng naturang airport ay natapos na.

Sa ikalawang kwarter ng 2024, inaasahan umanong makakapagtayo na ng mga istraktura sa naturang lugar, at unti-unting makukumpleto ito sa mga susunod na taon.

Batay sa inisyal na plano, isang world-class airport operator ang target na magma-manage sa naturang paliparan, oras na makumpleto ito.

Ang naturang paliparan ay nakikitang magbibigay ng milyong tranaho para sa mga Pilipino, at makakapagpalago sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mas malawak na serbisyo.

Kinabibilangan ito ng commercial at cargo, na kasama sa domestic at international flight services nito.