Sinunog ng mga hinihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang ilang mga construction esuipment sa may Barangay Tan-ag Ibaba, Lopez, Quezon.

Sa report ni 201st Brigade Commander BGen. Lenard Agustin na naka base sa Calauag, Quezon na nasa 10 miyembro ng NPA ang lumusob sa RTY Construction Company at sinunog ang isang payloader, tatlong elf trucks at isang mixer.

Ayon naman kay 2nd Infantry Division spokesperson Capt. Melchor Durante na pinupwersa ng rebeldeng grupo ang may ari ng kumpanya para magbayad ng protection money.

Kinondena naman ni BGen. Agustin ang insidente at ipinag utos kay 85th IB commanding officer Lt. Col. Ely Tono, na tugisin ang mga rebeldeng NPA.