-- Advertisements --

Itinuturing ng Department of Transportation (DOTR) na matagumpay ang consolidation phase ng Public Utility Vehicle Modernization program.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan nagpapatunay ang 76 percent ng PUV consolidation rate sa buong bansa.

Naging mataas ang turn-out nito sa last hour dahil maraming mga operator ng pampasaherong sasakyan ang naliwanagan na may magandang dulot ang nasabing consolidation.

Nahigitan anila ang target na 60 o 70 percent na target mula ng ipatupad ang deadline noong Disyembre 31.