Pinatawan na ng liderato ng Kamara ng 60 days o dalawang buwan na suspension si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., matapos inirekumenda ng Ethics Committe ang kanilang desisyon.
Dahil sa maling pag-uugali at patuloy na pagsuway sa utos at non appearrance nito nagdesisyon ang komite na patawan ng parusa ang mambabatas.
Ayon kay Ethics Committee Chairman COOP NATCO Party List Rep. Felimon Espares ang nakaka-apekto sa imahe ng kamara bilang institusyon ang disorderly behavior na ipinapakita ni Cong. Teves.
Agad naman na inatasan ni Speaker Martin Romualdez si House Secretary General Reginald Velasco na mag furnish na ng kopya kaugnay sa suspension ni Teves.
Unanimous ang boto mula sa mga house members na patawan ng 60 days suspension si Teves.
292 mambabatas bumuto ng pabor, 0 hindi pabor at 0 abstention na patawan ng parusa si Teves.