-- Advertisements --
Inanunsiyo ng singer na si Taylor Swift na isasapelikula ang kaniyang mga eras concerts.
Sa social media account nito ay pinasabik niya ang fans kung saan ang nasabing concert ay ipapalabas na sa big screen.
Magsisimulang ipalabas ang nasabing pelikula sa darating na Oktubre 13 sa North America.
Ipapalabas aniya ito ng apat na beses sa loob ng isang araw sa US mula Huwebes hanggang Linggo.
Magugunitang tinapos ng 33-anyos na si Swift ang kaniyang concert sa pamamagitan ng apat na show sa Mexico.
Muli siyang magbabalik sa concert sa susunod na taon.