-- Advertisements --
Naglabas ng pahayag ang concert promoter ng Canadian singer na si Justin Bieber na hindi apektado sa kanselasyon nito ang pagtatanghal niya Pilipinas.
Ayon sa Ovation Production na ang Justice World Tour ay hindi talaga kanselado.
May mga ilang lugar lamang ang naapektuhan ng nasabing postponement ng concert.
Ang mga petsa mula Oktubre 7 hanggang Oktubre 18, 2022 ay kanselado dahil kalusugan ng singer.
Habang gaganapin ang concert nito sa Oktubre 29 sa CCP Open Grounds na hindi apektado ng nasabing petsa.
Nagpost din ang nasabing promoter ng mga petsang nakansela at ang mga hindi kasama dito ay hindi apektado.