SEVENTEEN
SEVENTEEN

Kinansela na ng South Korean group na SEVENTEEN ang kanilang world tour dahil sa banta ng coronavirus outbreak.

Inanunsiyo ito ng kanilang agency sa kanilang social media account.

Sinabi ng Pledis Entertainment, inaalala nila ang kalusugan ng grupo kaya minabuting kanselahin ang world tour sa Pebrero at Marso.

Apektado ang mga show nila sa Kual Lumpur, Taipei, Madrid, Paris, London at Berlin.

Tiniyak naman ng grupo agad nilang iaanunsiyo ang mga susunod na concert tour sa kanilang social media page.

-- Advertisement --