-- Advertisements --
Sugatan ang dalawang dancer sa Hong Kong matapos na mabagsakan ng LCD screen sa concert ng sikat na boy band na Mirror.
Naganap ang insidente habang kasagsagan ng pagsasayaw ng grupo sa Hong Kong Coliseum ng biglang bumagsak ang giant overhead video screen.
Tumama ito sa dalawang katao kaya nagdesisyon ang organizers na huwag na lamang itong ituloy.
Dinala naman sa pagamutan ang mga biktima kung saan ang isa sa kanila ay nagtamo ng pagkabale sa leeg at ito ay nasa seryosong kalagayan.










