-- Advertisements --

Kinontra ng mga senador ang mga pahayag ng ilang kongresista na nagsimula na silang umupo bilang constituent assembly (Con-Ass) sa nakaraang hearing ukol sa proposed Charter change (Cha-cha).

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hindi tamang ituring na Con-Ass ang isang committee hearing.

Tila nakalimutan din aniya ng mga miyembro ng Kamara na naka-break pa ang sesyon at sa Lunes pa ito magbabalik.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi maaaring mag-‘solo action’ ang Kamara sa bagay na ito, dahil dapat kasali ang Senado sa naturang hakbang, kung sakaling mag-aamyenda ng saligang batas.

Sa ngayon, naghain na ng proposed Cha-cha sa Senado sina Sens. Francis Tolentino at Ronald dela Rosa.