Inirekomenda ni Assistant Minority Leader at APEC party-list Rep. Sergio Dagooc sa pamahalaan na gamitin ang compounds ng mga electric cooperatives bilang vaccination sites.
Ginawa ito ni Dagooc bago ang inaasahang pagdating ngayong buwan nang initial batch ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Dagooc na sa pamamagitan nang paggamit ng compounds ng mga electric cooperatives bilang vaccination sites ay maabot maging ang mga nakatira sa mga liblib na parte ng bansa.
Handa naman aniyang makipag-ugnayan ang mga electric cooperatives sa mga local government units upang umalalay sa kanilang vaccination plan.
Ayon sa kongresista, saklaw ng 121 electric cooperatives na kinakatawan ng Power Bloc sa Kamara ang bawat sulok ng Pilipinas.