Ph locator compostela valley compostela

DAVAO CITY – Naghahanda na ang mga residente ng Compostela Valley para sa gagawing plebesito ng lalawigan bilang Davao de Oro.

Sa ngayon, sumasailalim na raw sa “transition period” ang probinsya matapos itong ipanukala sa Kongreso bilang nag-iisang lalawigan sa Region 11 na hindi nakasunod sa “Davao” ang pangalan.

Hinihintay na lang daw ng mga residente ang petsa na itatakda ng Commission of Elections na araw ng plebisito.

Kabilang sa mga naghain nito sina Cong’s. Maricar Zamora, Pedro Acharon Jr. at Ruwel Peter Gonzaga sa Kamara; at Sen’s. Juan Miguel Zubiri at Sonny Angara sa Senado.