Iniulat ng Department of Agriculture na 95% ng mga rice retailers sa buong bansa ang nakasunod sa Executive Order na inilabas ni PBBM na nagtatakda ng price cap sa 2 klase ng bigas.
Ayon kay Atty Willie Ann Angsiy, DA Director for Legal Services, natukoy sa kanilang monitoring ang mataas na comliance o pagtugon ng karamihan sa mga retailers.
Kumpara sa pagtalima ng mahigit 95% ng mga retailers, tiniyak ng opisyal na iilan lamang ang kanilang nakitang hindi nakasunod sa naturang kautusan.
Ang 95% ay sa likod na rin ng pag-alma ng ilang mga retailers sa ibang ibang bahagi ng bansa.
Tiniyak naman ng opisyal na patuloy silang magsasagawa ng inspeksyon sa mga pamilihan upang matiyak ang magandang kalidad ng ibinebentang bigas sa bansa.
Hiniling na rin aniya nila ang tulong ng NFA na maglibot at magsagawa ng regular na inspeksyon dahil sa sila ang may teknikal na kapasidad sa pagsusuri.
Nitong Lunes nang opisyal na ipatupad ang limitasyon sa presyo ng well milled at regular milled na bigas sa buong bansa.