-- Advertisements --

Suportado ng commuters rights advocates sa bansa ang P2 na taas sa pamasahe sa jeepney.

Ayon kay National Center Commuter Safety and Protection chairperson Elvira Medina, bagamat suportado nila ang naturang panawagan ng transport group sa gitna na rin ng panibagong oils price hike ngayong linggo, mariin naman nilang tinututulan ang panukala na minimum fare na P15 at karadagang pamasahe sa susunod na kilometro dahil higit na maapektuhan dito ang mga minimum wage earners na hindi ikinonsidera sa recent wage hike.

Epektibo kasi noong June 4, ang minimum wage sa national Capital Region ay itinaas ng P33 hanggang P570 kada araw para sa non-agricultural workers at P533 para sa agricultural workers.

Ayon pa kay Medina ang average Filipino worker ay inaabot ng tatlong sakay patungo sa kanilang trabaho na guamgastos ng P45 para sa one-way trip.

Nagpahayag din ng parehong sentimiyento si Primo Morillo, convenor ng ‘The Passenger Forum, na kanilang susuportahan ang hakbang na makakatulong para sa mga jeepney drivers kaakibat nito ay maibsan din ang pasanin sa mga commuters.

Top