Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang isang special DOTr Commuter Hotline number na magagamit ng mga commuters sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng nasabing hotline ay maaari nang maipaabot sa DOTr ang anumang commuter-related concerns at iba pang mga commuter issues na malimit nilang maranasa.
Ang hotline number ay 0920-964-3687.
Maaari namang tumawag o magpadala ng mensahe ang mga commuters sa pamamagitan ng nasabing hotline, mula Lunes hanggang Biyernes.
Susundin din ang 8am hangang 5pm na operasyon ng hotline, para sa pagsagot sa mga nasabing tawag.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, magsisilbi itong channel o sistema ng ahensiya para matanggap ang mga reklamo at anumang report ng mga commuters.
Kasama na rin dito ang mga posibleng reklamo ukol sa sistema ng red tape sa loob ng mga opisina at iba pang mga attached agencies ng DOTr.
Malaki aniya ang papel ng publiko sa pagbuo ng malinis na DOTr, kayat nararapat lamang na tangkilikin at gamitin ito sa paraang makakatulong upang mapagbuti pa ng ahensiya ang kanilang serbisyo.