-- Advertisements --
PDLs released

Mahigpit ngayon ang utos ng Supreme Court (SC) na suspendehin muna ang pag-isyu ng korte ng commitment order para ilipat ang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Base sa Office of the Court (OCA) administration circular number 124-2020, ipinag-utos na nito sa lahat ng judges sa first at second level courts sa buong bansa na huwag munang mag-isyu ng commitment order para ilipat ang mga inmate mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pasidilad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Una rito, sumulat si BuCor Dir. General Gerald Bantag sa Korte Suprema para hilinging suspendehin muna ang pag-isyu ng commitment order para mapigilan ang lalong paglakalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa BuCor.

Ang pag-suspindi sa commitment order ay magtatagal hanggang Agosto 30.

Dahil dito, ang mga PDL’s na nakatakdang ilipat sa BuCor ay mananatili muna sa BJMP jail units.