Todo na raw ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) sa isasagawang pilot test ng automated election system (AES) sa tatlong barangay sa Quezon City at probinsiya ng Cavite.
Ang naturang testing ay bahagi pa rin ng paghahanda ng komisyon sa nalalapit na October 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa isang statement, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na kabilang sa mga barangay na ito ang Zone II Poblacion at Paliparan III sa Dasmariñas City, Cavite at Barangay Pasong Tamo sa ika-anim na distrito ng Quezon City.
Ang pagpili raw sa mga participating barangays para sa pilot testing ay ang resulta ng Regular Hearing ng House of Representatives Committee on Suffrage and Electoral Reforms.
Ang desisyon ay dumaan naman daw sa mutual consultation at mutual agreement sa pagitan ng kamara at Commission on Elections.
Pero mayroon umanong mga pagbabago sa Calendar of Activities sa mga naturang barangay kabilang na ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) ng mga kakandidato.
Dahil naman sa isasagawang pilot testing ng automated election system sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa mga nabanggit na mga barangay sa Dasmariñas City at Quezon City, ang paghahain naman ng certificate of candidacy ay mas aagahan.
Ito ay para mailagay daw sa iimpretang pangalan ng mga kandidato sa machine-readable official ballots.
Sa kabilan ito, ang election period ay pareho rin lang naman.
Ang tatlong barangay ay mayroong tinatayang 112,000 registered voters, 84,100 dito ang regular at 27,817 ang youth voters.
Mayroon namang 227 clustered precincts sa naturang mga barangay.