Tuluy-tuloy pa rin ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng aktibidad kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa kabila ng nakaambang pagpapaliban dito.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang kanilang inisyal na plano ay patuloy pa rin lalo na pagdating sa mga notice of awards gayundin ang mga nasimulan ng procurement dahil hindi magiging maganda aniya kapag bigla na lamang nilang ititigil ang kanilang isinasagawang paghahanda.
Muling iginiit ng opisyal na magagamit pa rin ang mga materyales na kanilang binili para sa susunod na halalan kung sakali ito man ay mailipat sa susunod na taon.
Kumbinsido din ang Comelec chairman na sa oras na maisabatas na ang pagpapaliban ng barangay at Sk elections para sa susunod na taon, ang magiging aksiyon ng poll body salig sa batas.
Ayon kay Garcia, posibleng matapos na ang pag-imprinta ng mga balota sa Oktubre 25.