Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang electoral protest case laban kay Manila Mayor Honey Lacuna.
Ayon sa Comelec ang claims ng electoral fraud sa 2022 mayoralty race sa Manila ay base sa suppositions at hindi base sa records.
Batay sa inilbas na desisyon noong October 6, sinabi ng Comelec second division na ibinasura ang election protest ng nagngangalang Alexander Lopez matapos na madiskubre na ito ay walang sapat na katibayan o testimonoya o dokumento na magpapatunay na may nanguaring vote buying.
Una rito, kinuwestyon ni Lopez ang landslide victory ni Mayor Lacuna sa Manila kung saan sinabi nito na ang nakuhang mahigit kalahating miyong boto ng Mayora noong May 9 elections ay dahil sa malawakang electoral frauds, mga anomaliya at iregilaridad sa halos 2,000 clustered precincts.
Habang si Lopez ay nakakuha lamang ng 166,908 votes.
Paliwanag naman ng Comelec na ang kabuuang bilang ng valid ballots para sa posisyon ng Alkalde sa siyudad ng Manila ay hindi tumutugma sa kabuuang bilang ng rehistradong botante na bumoto noong May 9 elections sa nasabing lungsod.
Sa panig naman ni Mayor Lacuna, ikinatuwa nito ang naging ruling ng Comelec na kikilala ng poll body na ang mga alegasyon sa electoral fraud, iregularidad at anomaliya na ibinbato sa kaniya ay walang katotohanan.