-- Advertisements --

CEBU CITY – Kabilang sa bibigyan ng tulong pinansyal mula sa Japanese government ang mga commercial sex workers at mga hostess na pawang apektado rin ng nararanasang krisis na dala ng COVID-19 pandemic.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Fina Arcillas Fukuzawa, nauna nang hindi isina,a ang mga kabilang sa sex industry sa bansa dahil sa iligal at nauugnay umano ang mga ito sa mga sindikato.

Pero matapos na makiusap ang ilang support groups sa gobyerno ng Japan, pinagbigyan ng Japanese government ang kanilang apela para maabutan din ng tulong ang mga nagtatrabaho sa naturang industriya.

Ayon kay Fukuzawa, tiniyak ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na i-review ang mga main points ng ayuda upang maging patas ito sa lahat.

Aabot ng 4,100 Japanese Yen o katumbas ng P2,000 ang ayudang matatanggap ng mga subcontracting freelance workers sa mula sa pamahalaan.