Walang nakitang ang Commission on Elections (COMELEC) na paglabag na ginawa ng F2 Logistics sa mga election paraphernalia na nakitang iniwan sa bakanteng lote sa Cavite.
Ayon kay COMELEC Acting spokesperson Rex Laudiangco, na hindi nila nakitaan ng anumang paglabag ang nasabing logistic company.
Paglilinaw pa nito na patuloy pa rin ang ginagawa nilang imbestigasyon at evalulation sa contract performance at compliance ng F2 Logistics.
Kapag mayroong paglabag sa contractual obligations ang F2 Logistics ay hihingi ang COMELEC ng warranty security mula sa kumpanya.
Base sa lumabas na imbestigasyon na isinumite kay panel chairperson na si COMELEC commissioner Aimee Ferolino noong June 9, na ang mga nakitang paraphernalia ay pawang mga nagamit na mga indelible ink, stamp pads, bond papers ganun din mga sobrang forms, ballot secrecy folders at envelopes.