-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na walang extension sa pagsumite ng statement of contribution and expenditures kung saan nakatakda ang deadline sa June 8,2022.

Dahil dito, muling pina-alalahanan ng Comelec ang mga kandidato sa kanilang obligasyon.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, hindi tatanggapin ng poll body ang anumang statements on campaign expenses pagkatapos ng itinakdang deadline.

Sinabi ni Garcia, ang SOCE ay para sa lahat ng kandidato, kahit ito ay nag-withdraw sa kaniyang kandidatura o natuloy ito sa pagtakbo, natalo o nanao ay dapat magfa-file sila ng kanilang SOCE.

-- Advertisement --

Dagdag pa ni Garcia, ang mga kandidato na hindi magsusumite ng SOCE ay mahaharap sa kaso at pagmultahin at maari din silang patawan ng perpetual disqualification to hold public office.

Binigyan-diin nito na ang kandidatong nanalo sa halalan ay maaring matanggal sa pwesto dahil sa paglabag nito sa SOCE regulations.

Ibinunyag din ng Commissioner na nasa 500 candidates ng previous elections ang nahaharap sa posibleng perpetual disqualification to hold public office.

Dapat isama din sa SOCE ng mga kandidato ang mga nagbigay sa kanila ng campaign donations.