-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na tuloy pa rin sa Mayo 9, 2022, ang national at local elections sa harap ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic.

Pagtitiyak ito ni Comelec spokesperson James Jimenez ngayong isang taon at anim na araw na lang bago ang nakatakdang halalan.

Iginiit ni Jimenez na walang dahilan para ipagpaliban ang halalan sa susunod na taon kahit pa hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakakamit ng bansa ang inaasam na “herd immunity.”

Hindi pa kasi umaabot sa 1 percent ng populasyon ang naturukan ng dalawang doses ng COVID vaccines.