-- Advertisements --
Bantay-sarado ng Comelec, Philippine National Police (PNP) at militar ang deployment ng mga balota para sa local absentee voting (LAV).
Nagsimula kasi dapat ang deployment nito kamakalawa, ngunit marami ang hindi agad nadala sa ilang bahagi ng bansa dahil sa masamang lagay ng panahon.
Maliban sa pagtitiyak na hindi masisira ang mga ito, inilalayo din ng komisyon ang mga balota sa isyu ng dayaan at pakikialam ng ilang personalidad at grupo.
Magsisimula ang LAV sa Abril 27 hanggang 29, 2022.
Maaaring mag-avail nito ang mga pulis, sundalo, guro at media na tututok sa mga kaganapan sa mismong araw ng halalan.