Suportado ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpasa ng panukalang batas na nagdedeklara sa vote buying bilang isang heinous crime.
Ito ang House Bill No. 1709 na inihain ni Malasakit at Bayanihan Rep. Anthony Golez, Jr, na layong maitaas ang election offense ng vote buying bilang heinous crime at taasan ang penalty ng 20 hanggang 40 taong pagkakakulong.
Sa isang statement, sinabi ni Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, inirekomenda ni Chairman George Garcia ang muling pagbusisi sa naturang batas partikular na ang Section 261 ng Omnibus Election Code.
Sinabi ni Laudiangco na ang specific recommendation ay ginawa kasabay ng pag-update ng definition ng vote-buying at vote-selling para mas maging akma sa kasalukuyang sitwasyon partikular na ang may kaugnayan sa vote buying o selling sa online o over-the-air fund-transfers, internet cash transmittals at iba pang analogous modalities.
Magbibigay daan din ito para sa pagsasagawa ng mas pinabuting criminal investigation at case build-up at mas epektibong prosekusyon.
-- Advertisements --