-- Advertisements --

Nakatikim ng unang panalo ang Magnolia Hotshots sa bago nilang head coach na si LA Tenorio sa pagsisimula ng PBA 50th Season Philippine Cup.

Tinalo ng Magnolia ang dating koponan ni Tenorio na Barangay Ginebra sa score na 80-73 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.

Sa simula ng laro ay umarangkada agad ang Hotshots na mayroong 10 points mula kina Zavier Lucerio at Javi Gomez de Liano.

Nanguna sa panalo si Lucero na nagtala ng 17 points, pitong rebounds, apat na steals at isang block habang mayroong tig-14 points sina Jerom Lastimosa at Gomez de Liano para Magnolia.

Inamin ni Tenorio na naging emosyonal ito dahil sa unang pagsabak niya sa coaching ay agad na makakaharap nila ang dating koponan niya na Barangay Ginebra.