-- Advertisements --

Nagkaroon ng pagbuga ng abu ang bulkang taal ngayong madaling araw ng Oktubre 1.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) natapos ang eruption ng bulkan dakong 2:15 ng umaga.

Nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang Taal Volcano.

Patuloy na nakabantay ang Phivolcs sa aktibidad ng bulkan at nakikipag-ugnayan na sila sa mga iba’t-ibang ahensiya.