-- Advertisements --

Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maging substitute nominee ng Komunidad ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD) party-list sa papasok na 19th Congress.

Inanunsiyo ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na pinagtibay na raw ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng law department para sa pagbabago ng mga nominees sa P3PWD.

Ang naturang partylist ay nanalo ng isang upuan sa nakalipas na halalan.

Ang limang mga orihinal na papalitan ni Guanzon at apat pang personalidad ay kinilalang sina Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio, at Rodolfo Villar Jr.

Ang certificate of nomination ni Guanzon ay pinirmahan naman ni Tenorio, ang tumatayong secretary general.

Kung maalala si Guanzon ay nagretiro noong lamang February 2, matapos na makompleto ang 7-year term bilang bahagi ng Comelec.