Pinalawig ng Comelec ang deadline ng paghahain ng certificates of candidacy (COCs) para sa special election para punan ang bakanteng posisyon sa pagpapatalsik kay Arnolfo Teves Jr. bilang 3rd district representative ng Negros Oriental.
Sa isang resolusyon, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na hanggang Nobyembre 11 ang paghahain ng COCs na nagsimula noong Lunes at ngayong araw ang dating deadline.
Sinabi ng Comelec na ang extension ay naglalayong bigyan ang mga kwalipikadong kandidato ng sapat na panahon na maghain ng kanilang COC.
Wala kasing natanggap na COC ang poll body noong araw ng Lunes.
Itinakda ng Comelec ang election period mula Nobyembre 9 hanggang Dec. 25 habang ang campaign period naman ay mula Nob. 9 hanggang Dec. 7.
Una na rito, ang speical election ay nakatakda sa darating Disyembre 9.