-- Advertisements --
image 539

Nais ng Commission on Elections na palawakin ang mall voting program sa buong bansa sa 2025.

Sinabi ni COMELEC CHairman George Garcia na kakausapin ng ahensya ang mga mall owners at operators ukol sa nasabing programa.

Aniya, makikipag-coordinate ang kanilang tanggapan sa mga may-ari at operator ng mall kung makakapagsagawa ng mall voting sa kanilang mga establisyimento.

Matatandaang ininspeksyon ni Garcia ang 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Robinsons Manila – isa sa 11 malls para sa pilot na pagpapatupad ng mall voting program para sa BSKE.

Giit ni Garcia na malakin tulong ang mall voting upang hindi na makaabala sa mga paaralan kung saan karaniwang isinasagawa ang botohan.

Malaking tulong aniya ito upang mapanatili rin ang mga pasilidad ng paaralan at ligtas ang mga miyembro ng electoral board sa mall voting.

Una na rito, hindi bababa sa 60,000 botante ang bumoto sa mga establisyimento ng initalagang lugar ng mall voting.