Nilinaw ng Comelec na maaari pa ring bumoto sa Mayo 9 ang mga botante na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ay kahit na iba ang inirekomenda ng Department of Health (DOH).
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na ang mga pasyente ng virus ay maaaring bumoto sa mga isolated polling precincts at hangga’t pinapayagan silang lumabas sa kanilang mga quarantine area.
Hinimok nalang ang mga ito na magsoot ng face mask at face shield.
Lahat aniya ng mga may sintomas ay makaboto at hindi sila pauuwiin.
Nauna nang inihayag ng Comelec ang sarili nitong mga isolation polling place sa araw ng halalan, na nakalaan para sa mga taong nakakaranas ng sintomas ng COVID-19.
Ang isolation period para sa pangkalahatang ay pinaikli sa 7 araw para sa mga nabakunahang indibidwal, at 10 araw para sa mga hindi nabakunahan at bahagyang nabakunahan na mga taong probable, mild, at asymptomatic COVID-19 cases.