-- Advertisements --
image 146

Nakatakdang magsagawa ng public hearings ang Commission on Elections (Comelec) sa gitna ng panawagan na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Negros Oriental.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na inihayag ng poll body na isasagawa ang public hearings para ma-assess ang kasalukuyang sitwasyon doon sa probinsiya partikular peace and order status.

Pagkatapos ay aalamin din ang mga sentimiyento ng mga mamamayan kaugnay sa panukalang pagpapaliban sa nalalapit na BSKE sa probinsiya.

Ayon sa Comelec ang naturang hakbang ay nag-ugat mula sa panawaan nina Senator Ronald Bato Dela Rosa, chairperson ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Senator Francis Tolentino para ipagpaliban ang nasabing halalan sa isinagawa noong Senate inquiry sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi din ng poll body na ayon sa mga Senador base na rin sa lumabas na mga survey ang mga mamamayan sa Region 7 ay sang-ayon na ipagpaliban ang local elections sa kanilang lugar.

Inihayag din ng Comelec na isasagawa ang public hearings sa bawat mga siyudad, bayan at mga barangay sa lalawigan sa tulong ng security partners nito mula sa PNP, AFP at sa pamamagitan ng Committee on the Ban on Firerms and Security Concerns.

Top